Off-Topic :Speed vs Accuracy [Archive] - Glock Talk

PDA

View Full Version : Off-Topic :Speed vs Accuracy

Allegra
03-28-2009, 12:18
Off topic muna , pwede ba pag usapan tungkol sa shooting dito? hehe
Ano drills nyo para sa speed at accuracy?

edtf
03-28-2009, 16:55
Off topic muna , pwede ba pag usapan tungkol sa shooting dito? hehe
Ano drills nyo para sa speed at accuracy?

hmmm.... dapat ata ikaw ang magsabi niyan kasi yung last time kita nakita pumutok parang full auto yung CZ mo :D

JuDGe
03-29-2009, 01:44
Off topic din..... Allegra, I sent you a PM

Allegra
03-30-2009, 00:57
hmmm.... dapat ata ikaw ang magsabi niyan kasi yung last time kita nakita pumutok parang full auto yung CZ mo :D

ang tagal na nun fafa , hawig ko pa si piolo nung mga panahon na yun :)

Anyway , di nako napunta sa range might as well teach it here baka makatulong sa newbies
Yung mga magagaling na , please skip this thread at bawal kumontra heehee

Anyway , I often get asked alin uunahin bilis o accuracy?
Standard answer is accuracy muna
Pero habang naka upo ako sa cr , naisip ko bakit di pag sabayin

I got this drill from the BE forum galing yata kay TGO
25m , 5 shots from draw , dapat all A's
Nga lang , time limit is 4sec :)

I'll leave it to the shooter kung paano nya magagawa yan , kasi ang dami info makukuha sa youtube about draws , stance , grip , etc.
Bahala ka na how yu will put 5 shots sa A zone from the draw in 4 sec.

Just think about it
If you can do that , kailangan pa ba itanong kung alin mauna?
There almost nothing they can throw at you sa mga level 3 na katatakutan mo
Makukuha mo timing ng baril mo
At 25m , lalabas lahat ng problema mo sa grip , stance , trigger control , eye focus etc na dapat correct
The drill will force youto shoot w/ your eyes ng mabilis kasi mahirap chamba sa 25m
Magandang warmup before a match kasi it will remind you to see what you need to see

Someone told me , bumagal daw putok nya when he started this drill
Of course it will sa simula , kasi masasanay ka tumingin sa sights at speed keysa turo ka lang ng turo ng baril sa target ng wala nakikita
Babalik din yung bilis

Someone told me bakit instead of 1 target , dapat 3 targets w/ 2 shots each?
Kasi pag 2 shots each target , pwede chumamba yung second shot
Impossible chumamba all 5 shots
Plus I prefer practicing target to target drills dry ( kasi mostly your training your eyes to sight acq ng mabilis )

Someone told me baka daw bumagal naman siya sa cqb ek ek
Punyetang mga ratratero yan , ang kukulit haha

Anyway , if you can do this drill easily pero talunan ka pa rin
Isa lang ibig sabihin nun...... mahina dibdib hehehe

Anyone dito sa BOGs who can do it sa first try?

atmarcella
03-30-2009, 01:07
nagawa ko na yan.......

kaso lang nagising ako:rofl::tongueout::wavey:

Allegra
03-30-2009, 01:26
nagawa ko na yan.......

kaso lang nagising ako:rofl::tongueout::wavey:

Give yourself a month and shoot nothing else

edtf
03-30-2009, 01:56
sabi ko nga ba eh - si obi wan kanobi ka!!!! Wala atang range malapit dito na meron 25m :D

Seriously thanks for your insights. Nagtuturo ka na ba ngayon?

jimbullet
03-30-2009, 02:11
May the force be with you...

Allegra
03-30-2009, 02:36
sabi ko nga ba eh - si obi wan kanobi ka!!!! Wala atang range malapit dito na meron 25m :D

Seriously thanks for your insights. Nagtuturo ka na ba ngayon?

hehe yes , ala chris carmichael
Online coaching :) naks
Joke lang

Nagturo dati, gumaling naman siya
Nagturo din sa mga kaibigan , ang titigas ng ulo kaya tinamad nako
Anyway , I'l be away from shooting ng matagal kaya might as well post nalang sa BOGs

ahtsay
03-30-2009, 06:21
Problema ko ngayon sa utak...for the past 2 months, I've been shooting a lot of whites (No Shoots). Sa tagaytay may 2 targets covered with 2 NS, mga 20 meters. I shot 2 shots each, then verified na isa lang tumama....nagisip muna ako kung uulitan ko...by the time I made up my mind, mga 5 seconds na ata lumipas! :crying:
Are there any drills to help me get out of this mental slump? :supergrin: E kung lagyan ng NS sa harap ng 25m target? hehe!!
Allegra, this has been one of the better topics of late, salamat sa pag tulong mo sa aming mga mortal:supergrin:

Allegra
03-30-2009, 10:19

No need to put no shoots sa 25 m fafa
Distraction/panakot lang naman yung no shoots
Shooting A's ng 25m at a short time forces you to look at your sights and push your trigger control to the limits
Kungbaliwala na sayo tumama sa alpha everytime , kahit palibutan mo pa ng no shoots yung target at 25m , Alpha ng alpha yan
I think your aiming at the whole target kasi , kaya kalat ang tama mo
Or mentally natakot ka dun sa mga no shoots kaya na apektuhan ang trigger control mo ( subukan mo rin mag yabang , it helps :))

Either way , doing this drill will solve most problems pati sa bakal
kung ako'y nagtitipid at I have 30rnds a week to practice lang
Puro ito lang ang gagawin ko
Everything else , movement , target to target , shoot on the move , mag changes , take off at shooting papasok sa port etc can be practiced dry
Kung ako nagtitipid :) w/c is most of the time

Di ko naman sinabi , you have to do this in one practice
25m , 5 shots all A's from the draw ang goal
Skill at confidence builder
If you can do that everytime , lahat na dadali
Shooting on the move , bakal , swingers konting practice lang madali na gawin
Kasi sanay ka na pumutok gamit mata , at ganda na ng trigger control

Allegra
03-30-2009, 10:26
Problema ko ngayon sa utak...for the past 2 months, I've been shooting a lot of whites (No Shoots). Sa tagaytay may 2 targets covered with 2 NS, mga 20 meters. I shot 2 shots each, then verified na isa lang tumama....nagisip muna ako kung uulitan ko...by the time I made up my mind, mga 5 seconds na ata lumipas! :crying:
Are there any drills to help me get out of this mental slump? :supergrin: E kung lagyan ng NS sa harap ng 25m target? hehe!!
Allegra, this has been one of the better topics of late, salamat sa pag tulong mo sa aming mga mortal:supergrin:

teka pala , you verified na isa lang tumama?
Palibasa malabo mata ko , I dont verify kung tumama
As long as I ddint see the sights lift off the target di nako nag iisip, automatic pinuputukan ko na agad
O basta may duda ako , di tumama , automatic putok agad
At least additional .20 to half second lang nadagdag kesa sa 5 sec mo pag verify
Problema lang sa swingers , kasi aantayin mo pa bumalik yung target
Jan mejo sugal hehe

ahtsay
03-30-2009, 10:54
ya, medyo nasisindak/kinakabahan ako sa NS. This was not a problem at all before, parang bigla nalang dumating. Noon I don't even notice the NS, I just look for the Alpha and release the shot. It feels like that Kevin Costner movie Tin Cup, just like that, bigla nalang siya nag sh-shank. Ako naman, after hitting NS a few times the past few weeks, bigla nalang akong kinakabahan sa kanila:crying:. It's all in my mind....

It was an easy stage...3 boards sa kaliwa, 3 boards sa kanan, then 2 boards w/ NS. Pag dating doon sa 2 boards, instead of just shooting the static, I was avoiding the NS.

I had 2 horrible mental mistakes. Nag verify ako tapos hinde ako maka decide kung puputukan ko ulet o hinde na (I was the second shooter for the day, kaya malinis pa yung board, kitang kita na iisa lang butas hehe). The sight picture was acceptable, it was the trigger pull that went wrong. Parang pag pindot ko sa trigger, I was pulling the gun away from the NS. It felt like my knees became weak pag dating doon sa targets, parang natakot to screw it up. I did well with the first 6 targets, pag dating sa last 2 with NS, my brain said "o-o, ingatan mo, may No-SHoot yan!" which is also the same as saying "patay na!" hahaha!!. Ang masama nun, nilabas ko na nga magazine ko eh...tapos nag reload ulet ako to re-engage. Hinde ko alam, I think I'm getting senile.

The funny thing was after that stage, I decided to just go for it. Just aim at the Alpha and let the shot go. Sinubukan ko yung "yabang", told myself I'm good and accurate, and to stop thinking. Guess what happened? Nag NS-Mike naman ako sa susunod na stage. The target was maybe just 8m away. Pak talaga! :steamed:

Another funny thing was that after back to back horrible stages, I started to shoot well. Kasi I gave up trying and just went back to shooting. Sa isip ko the match was over for me, super bagsak nako sa standing. Parang nawala bigla yung kaba ko, I relaxed more and shot I like I didn't care, surprisingly mas gumanda putok ko. Sayang lang nga I screwed up in the long stages, and did well in the shorter stages so hinde nako naka habol. :supergrin:

Allegra how do you tone down your brain? My best shooting was when I wasn't thinking, I was using "the force", pero I can't seem to summon "the force" at will. Minsan minsan lang dumadating, when you least expect it. Ingay ingay ng brain ko, lalo na pag big match.

Allegra
03-30-2009, 12:02
Tone down the brain? yung ang ingay ng utak , dami pumapasok na instruction sabay sabay?
Kung mahilig ka magbasa , get yung Inner Game of golf , Tim Gallway

Meron daw tayong Self 1 at self 2
Yung Self 1 ,maingay , mahilig mag utos , mamintas , at manggulo ang tawag ko dun si Apollo
Yung Self 2 , tahimik lang yan , kaso sya yung puputok ng baril. Tawagin natin syang Noriel

Pag sumigaw si Apollo ng - Wag kang paboklog boklog dre , para yan lang sasala ka pa...#$%^@#$%^&!! Alpha lang! ang boklog mo talaga !
Natural , maguguluhan naman si Self 2 (Noriel ) , at sasagwa ang putok mo.

You have to understand that self 1 , boses lang yan , hindi makatulong sa putok mo
Daming inuutos sayo.
You dont need instructions , alam mo nanaman ang kailangan gawin para tumama sa target
Tell Apollo to STFU :)
Blanko dapat utak , ng di malito katawan

* Characters in this post are fictional. Any similarities with actual persons are a coincidence.

jasonub
03-30-2009, 17:33
i had a total of 9 mikes and a no shoot when i counted yesterday hahahahha!!!

it was the worst shooting i did for this year

ans3288
03-30-2009, 17:34
great tips from allegra, but i think its bec. madami na sobra inaasikaso si ahtsay kaya distracted sa shooting, think of what is different now and a few months back! hehe, i think stressed out ka sobra sa work kaya ganyan, hehe.

ya, medyo nasisindak/kinakabahan ako sa NS. This was not a problem at all before, parang bigla nalang dumating. Noon I don't even notice the NS, I just look for the Alpha and release the shot. It feels like that Kevin Costner movie Tin Cup, just like that, bigla nalang siya nag sh-shank. Ako naman, after hitting NS a few times the past few weeks, bigla nalang akong kinakabahan sa kanila:crying:. It's all in my mind....

It was an easy stage...3 boards sa kaliwa, 3 boards sa kanan, then 2 boards w/ NS. Pag dating doon sa 2 boards, instead of just shooting the static, I was avoiding the NS.

I had 2 horrible mental mistakes. Nag verify ako tapos hinde ako maka decide kung puputukan ko ulet o hinde na (I was the second shooter for the day, kaya malinis pa yung board, kitang kita na iisa lang butas hehe). The sight picture was acceptable, it was the trigger pull that went wrong. Parang pag pindot ko sa trigger, I was pulling the gun away from the NS. It felt like my knees became weak pag dating doon sa targets, parang natakot to screw it up. I did well with the first 6 targets, pag dating sa last 2 with NS, my brain said "o-o, ingatan mo, may No-SHoot yan!" which is also the same as saying "patay na!" hahaha!!. Ang masama nun, nilabas ko na nga magazine ko eh...tapos nag reload ulet ako to re-engage. Hinde ko alam, I think I'm getting senile.

The funny thing was after that stage, I decided to just go for it. Just aim at the Alpha and let the shot go. Sinubukan ko yung "yabang", told myself I'm good and accurate, and to stop thinking. Guess what happened? Nag NS-Mike naman ako sa susunod na stage. The target was maybe just 8m away. Pak talaga! :steamed:

Another funny thing was that after back to back horrible stages, I started to shoot well. Kasi I gave up trying and just went back to shooting. Sa isip ko the match was over for me, super bagsak nako sa standing. Parang nawala bigla yung kaba ko, I relaxed more and shot I like I didn't care, surprisingly mas gumanda putok ko. Sayang lang nga I screwed up in the long stages, and did well in the shorter stages so hinde nako naka habol. :supergrin:

Allegra how do you tone down your brain? My best shooting was when I wasn't thinking, I was using "the force", pero I can't seem to summon "the force" at will. Minsan minsan lang dumadating, when you least expect it. Ingay ingay ng brain ko, lalo na pag big match.

JuDGe
03-30-2009, 17:36
* Characters in this post are fictional. Any similarities with actual persons are a coincidence.

:rofl: :rofl: :rofl:

Allegra
03-30-2009, 23:56
i had a total of 9 mikes and a no shoot when i counted yesterday hahahahha!!!

it was the worst shooting i did for this year

Namaligno hehe

Talagang may araw na malas

Kahit sa bisikleta , di pako nakaka layo ng bahay sunod sunod semplang ko
Umuuwi nalang ako , at baka kung ano pa mangyari

atmarcella
03-31-2009, 01:00
Kahit sa bisikleta

ot,

me namatay sa bisikleta taga abs-cbn.

itch
03-31-2009, 02:52
ot,

me namatay sa bisikleta taga abs-cbn.

yes atmarcella, si Epoy Molina.

saki1611
03-31-2009, 07:48
i'll do this drill. thanks fafa sa tip...

Poodle
03-31-2009, 17:25
Will try this drill. Malayo ang 25 meters. Di puede tsamba.

Allegra
03-31-2009, 17:40
Just remeber it's a goal
Kahit abutin 2 taon before you can do it , dami mo na natutunan about your shooting and your gun

and before someone asks, no hindi ko na kaya ngayon hehe

Allegra
03-31-2009, 17:50
:rofl: :rofl: :rofl:

Labs ko naman yung 2 yun :)

glck17
04-03-2009, 09:47
did the drill today, made 5 alphas in 3.92 secs in the 2nd try using glock 17.:)

i_am_infinity
04-03-2009, 11:01
eh pano fafa kung ang kaba ko eh sa bakal??? do i just keep practicing shooting steel every practice?

liveandletlive
04-03-2009, 11:38
Allegra, can this be done with an airsoft, shorter distance, reduced taget and the PAR time on the timer ala dry firing? Kinda neat to be able to practice it more often at the back yard. ;)

jasonub
04-04-2009, 00:49
After that drill here is one i used to do from lito. Last time i did this was maybe 2006

3 targets 25 meters 3 meters apart. Hands relaxed gun in condition 1. At the beep, draw and shoot 2 rounds at each target.

Your goal is no deltas and with a time of less than 4 seconds from the draw. yes you have to draw. I used to do this at around 3.5 seconds

i had a record with all A's that just happened. nothing forced. Wont mention the time anymore since baka makadiscourage new shooters since we were all surprised even me. Thought di nagregister sa timer but all shots were accounted for even lito was surprised since siya ang nagtitime.

Good luck to you aspiring shooters

GMV
04-04-2009, 03:38
Fafa A,
Hingi naman po ako ng tips for Level 2 and 3 matches:

(1) Mindset and Mental Games:
On our fist shooting day at the Nationals, I had zero points in one short course (9 rounds). Any practical tips to recover on the next stage (e.g., treat the next stage as a new match, magdasal, etc.)? Any tips to save the match?

Any tips to deal with match stress? Or wag masyadong mag-isip na Level 3 yung pinuputokan? Use the “force”?

(2) Accuracy or speed? or both?
The courses at the Nationals were generally low hit factors requiring accuracy. On our first day of shooting (5 stages), I had 4 mikes. On the next shooting day, we finished 9 stages. I slowed down and had only 2 mikes in all 9 stages. However, the down side to accuracy is that my times were slower. Napansin ko sa mga videos namin is that I slowed down sa mga short courses and even in the long courses. Accuracy was good but the problem is that my times in the long courses would have equalled to 1 or 2 mikes.

Ang tanong ko: accuracy or speed? When do I sacrifice a few points for faster time?

Ahtsay,

Bro, could it be match stress? Ako naman takot ako sa steel plates. Sa isang stage ang lapit ng plato (I think 2nd stage ata sya, the one where you open the door that activates the swinger), hindi ko matamaan. The next stage kinakabahan na ako dahil may mga plato nananaman, tapos yung mga plates nakatago pa sa likod ng bundok. Good thing is that I was able to recover that next stage.

Jasonub,

Masama pa putok mo that match and yet you finished 6th overall! Congrats! Dami kong natutunan squadding with you :supergrin: (Turuan mo kaming mga pato hehehe :tongueout:)

ahtsay
04-04-2009, 08:58
GMV, that stage was my best of the match. I think I ranked 3rd on that stage next to Eric C and Jasonub. Hinde ko alam, but everytime a good shooter goes ahead of me, I shoot better. Parang na gagaya ko yung shooter in front of me. Nelson Uygongco shot before me; parang na ingrain sa utak ko yung ginawa niya, kaya parang na emulate ko. hehe!! Hirap ng shooting, puro mental. I remember that stage clearly dahil my mind was relaxed but aggressive. I was on offense instead of defense. I was thinking of attacking instead of "don't miss" mentality. :supergrin:
Mahirap sa bakal once you have re-engaged it a few times. Parang natatakot ka na kung baket hinde mo tinatamaan. Mas lalo kang natatakot as you keep re-engaging. I think an aggressive mentality on steel is good.

On the next stage, stage 1, I screwed it up. In order to refrain from moving one step (to engage yung nakatago na plato sa bundok), I chose an awkward shooting position where I can see all targets from that one point. Ayun, puro re-engage. It might have been faster to have a nice shooting position and just move to the left to engage the hidden plate.:crying:

I think the goal is not to "slow down", everytime you think slow down, that's what will happen. Takbo mo, change mags, draws, even shooting will slow down...which is not good. I think the mind set should be to "see more", for us standard shooters it would be to see more of the sights. I guess for you modified shooter, it will be to see more of the red dot.

Allegra this has been the best thread for a few months now.:supergrin:
Jason anong time mo? It won't discourage us, it will inspire us:tongueout:

itch
04-04-2009, 10:25
this is nice.. dami good pointers galing sa mga magagaling..

Thanks.

GMV
04-04-2009, 23:57
Ahtsay,

Stage 1 was one of my better stages (just down 2, but medyo mabagal [22sec.]). May advantage yung mga matatangkad because of their wingspan. nakikita nila yung plates na nakatago sa gilid ng bundok in just one position. As i am vertically challenged, i had to side step to the right to see that hidden plate.

Very true with the steel plates. Once you have missed, nakakasira ng diskarte. I think si pogi ata nagsabi na it's better to take a little more time aiming than taking the miss.

On slowing down, it was more of taking a bit more time aiming on 20-25 yard paper, steel plates, and those with no shoots but same pa rin movements, mag changes, etc. Hindi kasi pwedeng "bugahan"/paulanan ng bala. Tapos points wise, as much as possible, you really shouldn't miss on short courses. Otherwise, laglag ka agad.

In all, the nationals is so far my best Level 3. Ang dami kong natutunan from my squad mates and from watching the top seeds. Masaya din yung awarding ceremony. Sarap ng pagkain :)

ahtsay
04-05-2009, 01:51
Haha!! I missed the kainan, pero matindi din si Jasonub sa kainan eh :tongueout:
GMV, 22 seconds for stage 1 is really good, at least for me. I would have given up my right kidney for a time of 22sec for stage 1, hehehe!!

BTW, me and Ans3288 did the drill today. Since the range wasn't long enough, we estimate the targets to be at around 22meters away. We are able to shoot 5 shots in less than 4 seconds, mga 3.6-3.8, however the best we could do was 3A-2C. Our best time to hit all 5A was around 5.5 seconds. I noticed that I was compromising my trigger pulls for speed thats why I can't consistently hit Alphas. The sight picture is there, its the trigger pull that was keeping me off the A's. After 2 hours of trying, we gave up and decided to practice shooting on the move nalang:supergrin: We also did some bill drills at around 12meters. Surprisingly, we can get all 6 shots on paper in less than 3 seconds....mga 2.6+. Medyo confidence booster kasi I can't see much of the sights at that speed and the draw is crucial pero tumatama sa papel. :supergrin:

ans3288
04-05-2009, 04:27
speak for urself!!! i couldt hit 5 alphas, the best i got was 4As and 1C!!! :crying:

alam ko bill drill is done @ 7m, not 12m!!! since ur putting in all 6 shots sa target board, i suggest dont look at ur sights anymore!!! :rofl: joke!

nice practice, sana maulit! :)

Haha!! I missed the kainan, pero matindi din si J
BTW, me and Ans3288 did the drill today. Since the range wasn't long enough, we estimate the targets to be at around 22meters away. We are able to shoot 5 shots in less than 4 seconds, mga 3.6-3.8, however the best we could do was 3A-2C. Our best time to hit all 5A was around 5.5 seconds. I noticed that I was compromising my trigger pulls for speed thats why I can't consistently hit Alphas. The sight picture is there, its the trigger pull that was keeping me off the A's. After 2 hours of trying, we gave up and decided to practice shooting on the move nalang:supergrin: We also did some bill drills at around 12meters. Surprisingly, we can get all 6 shots on paper in less than 3 seconds....mga 2.6+. Medyo confidence booster kasi I can't see much of the sights at that speed and the draw is crucial pero tumatama sa papel. :supergrin:

Allegra
04-05-2009, 05:55
eh pano fafa kung ang kaba ko eh sa bakal??? do i just keep practicing shooting steel every practice?

the usual prActice session na ginagawa ng shooter , iba iba
May basic, may while moving , swingers, close targets, plates , poppers etc
dami variety pero wala namamaster
I was thinking of just one drill na pag namaster mo na , shifting to other drills/shooting scenarios will be so easy
Un nga if you can do the drill easily , ang dali na putukan ang bakal,swingers ,far,close targets etc.

Kahit anong tARGET ang puputukan mo the basics are still the same-
sight acq
sight alignment
trigger control
follow thru

Pag ang basics are all done subconsciously dahil sa dami ng beses mo sya ginagawa , kahit ano itchura ng target , you can hit it

Allegra
04-05-2009, 06:03
Allegra, can this be done with an airsoft, shorter distance, reduced taget and the PAR time on the timer ala dry firing? Kinda neat to be able to practice it more often at the back yard. ;)

no need for a timer kasi wala naman recoil management pag airsoft
pero maganda for sight acq , trigger control, at target to target drills

Allegra
04-05-2009, 06:41
Fafa A,
Hingi naman po ako ng tips for Level 2 and 3 matches:

(1) Mindset and Mental Games:
On our fist shooting day at the Nationals, I had zero points in one short course (9 rounds). Any practical tips to recover on the next stage (e.g., treat the next stage as a new match, magdasal, etc.)? Any tips to save the match?

Any tips to deal with match stress? Or wag masyadong mag-isip na Level 3 yung pinuputokan? Use the “force”?

(2) Accuracy or speed? or both?
The courses at the Nationals were generally low hit factors requiring accuracy. On our first day of shooting (5 stages), I had 4 mikes. On the next shooting day, we finished 9 stages. I slowed down and had only 2 mikes in all 9 stages. However, the down side to accuracy is that my times were slower. Napansin ko sa mga videos namin is that I slowed down sa mga short courses and even in the long courses. Accuracy was good but the problem is that my times in the long courses would have equalled to 1 or 2 mikes.

Ang tanong ko: accuracy or speed? When do I sacrifice a few points for faster time?

Ahtsay,

Bro, could it be match stress? Ako naman takot ako sa steel plates. Sa isang stage ang lapit ng plato (I think 2nd stage ata sya, the one where you open the door that activates the swinger), hindi ko matamaan. The next stage kinakabahan na ako dahil may mga plato nananaman, tapos yung mga plates nakatago pa sa likod ng bundok. Good thing is that I was able to recover that next stage.

Jasonub,

Masama pa putok mo that match and yet you finished 6th overall! Congrats! Dami kong natutunan squadding with you :supergrin: (Turuan mo kaming mga pato hehehe :tongueout:)

Dun sa question 1, you can think of each stage as a seperate match
Pag putok mo ng isang stage , tapos na yun. Kalimutan mo na
Kung pangit at lalo na kung maganda putok mo , kalimutan mo na yun at lipat sa ibang stage. Isipin mo kunyari na walang kinalaman ang stages sa isat isa

or
what I do is think positive
Kahit ano mangyari , hanggang may laman bala pa mags ko , kaya pa yan
This works sa mga taong malaki bilib sa sarili haha
I remember sa ufc , si bj Penn , pinned down na ni matt hughes,broken na ribs, di makagalaw, tapos ginugulpi ang mukha. He said right until the referee stopped the fight, pakiramdam nya kaya pa rin nya manalo
Yan ang positive thinking! hehe

Mahirap gawin yan lalo pagmalaking match
But thats what makes competition so addicting

2. accuracy o speed?
Wrong question to ask
You only shoot as fast as your eyes can see
Do my drill paulit ulit ulit mapapractice ka to shoot as fast as your eyes can see :)

disclaimer :)
I could be wrong, tagal ko na di naputok
Feel free to disagree guys

Allegra
04-05-2009, 07:12
GMV, that stage was my best of the match. I think I ranked 3rd on that stage next to Eric C and Jasonub. Hinde ko alam, but everytime a good shooter goes ahead of me, I shoot better. Parang na gagaya ko yung shooter in front of me. Nelson Uygongco shot before me; parang na ingrain sa utak ko yung ginawa niya, kaya parang na emulate ko. hehe!! Hirap ng shooting, puro mental. I remember that stage clearly dahil my mind was relaxed but aggressive. I was on offense instead of defense. I was thinking of attacking instead of "don't miss" mentality. :supergrin:
Mahirap sa bakal once you have re-engaged it a few times. Parang natatakot ka na kung baket hinde mo tinatamaan. Mas lalo kang natatakot as you keep re-engaging. I think an aggressive mentality on steel is good.

On the next stage, stage 1, I screwed it up. In order to refrain from moving one step (to engage yung nakatago na plato sa bundok), I chose an awkward shooting position where I can see all targets from that one point. Ayun, puro re-engage. It might have been faster to have a nice shooting position and just move to the left to engage the hidden plate.:crying:

I think the goal is not to "slow down", everytime you think slow down, that's what will happen. Takbo mo, change mags, draws, even shooting will slow down...which is not good. I think the mind set should be to "see more", for us standard shooters it would be to see more of the sights. I guess for you modified shooter, it will be to see more of the red dot.

Allegra this has been the best thread for a few months now.:supergrin:
Jason anong time mo? It won't discourage us, it will inspire us:tongueout:

I taught myself to swim for a triathlon from a book
One way of teaching myself is watching videos of olympic swimmers sa youtube. Pinapanuod ko lang paulit ulit parang sira ulo
Pagdating sa pool , I visualize the movement from memory
Ayun , muntik nako malunod :) just kidding.
Panuorin niyo galaw ni nelson,jag,rico,jason, lito, lyndon,tootsie,gino, etc etc
Observe nyo lang , your mind will memorize automatically at gagayahin ng katawan nyo.

Slower,faster,see more , see the sights, find the dot ......too much intructions fafa
assuming you practiced before the match, dapat pagdating sa match ang goal mo nalang ay blankohin ang utak
Tama na last minute instructions. Self 2 already know what to do. Dapat patahimikin mo na si self 1. That is the goal at game time

If you think, then you are late.....
- Saulo Ribeiro , Jiu jitsu University

Before i studied the art, a punch was just a punch and a kick was just a kick. After I studied the art, a punch was not just a punch, a kick was not just a kick. When I understood the art , a punch is just a punch and a kick is just a kick
-fafa Bruce Lee , Tao of JKD

liveandletlive
04-05-2009, 08:00
no need for a timer kasi wala naman recoil management pag airsoft
pero maganda for sight acq , trigger control, at target to target drills

Thanks... :thumbsup:

st. matthew
04-10-2009, 00:58
here's another way of honing your shooting skills
http://steelchallengephil.com/home.html

magandang pustahan to :supergrin:

they have monthly match till october in preparation for the WORLD SPEED SHOOTING ASIAN CHAMPIONSHIPS 2009 November 3-6, 2009.

o,ahtsay may monthly appointment ka na till november:supergrin:

kakainggit:crying:

ahtsay
04-12-2009, 00:51
Makoy I got an email for the Steel Challenge nga eh, pero medyo malayo eh :)
Kailan balik mo dito? Putok tayo! Mas gumaganda putok ko pag kasama kita eh, parang yung sa Laoag hehe!!:)

st. matthew
04-12-2009, 01:55
malapit lang sa iyo yung clark eagle, super bilis ka naman eh,mga thirty minutes drive lang :supergrin:

uwi ako ng 24, ang mapuputukan ko this time sa area nila glck17, three weekends yahuuu!!

oo nga eh, ako lang ang hindi maganda ang putok hihihi:supergrin:
kidding aside, consistent ka naman sa top ten eh:cool:

Allegra
04-13-2009, 10:57
Sino puputok sa battle?
Sagot pala kami ng gunclub , still deciding might shoot it this weekend
More than a year since i've fired a gun, pag masyado mahirap cof manunuod nalang ako :)

i_am_infinity
04-13-2009, 12:12
Sino puputok sa battle?
Sagot pala kami ng gunclub , still deciding might shoot it this weekend
More than a year since i've fired a gun, pag masyado mahirap cof manunuod nalang ako :)

fafa A let me know when ur going para panoorin naman kita and i might be able to learn some moves :supergrin:

Allegra
04-13-2009, 17:59
fafa A let me know when ur going para panoorin naman kita and i might be able to learn some moves :supergrin:

patay hehe
Parang kinakabahan nga ako baka ma DQ sa long courses
At pag madaming bakal , di nako puputok heehee
Kaya nga ako nagtuturo , kasi di ko na kaya gawin heehee
Nga lang , libre e :)

sandman_sy
04-13-2009, 18:46
"Shoot slowly as fast as you can"

someone once mentioned this to me.. and ever since.. that's the moto that i have been using whenever i get mikes :P ahehehe..

i_am_infinity
04-14-2009, 10:34
patay hehe
Parang kinakabahan nga ako baka ma DQ sa long courses
At pag madaming bakal , di nako puputok heehee
Kaya nga ako nagtuturo , kasi di ko na kaya gawin heehee
Nga lang , libre e :)

basta nuod ako hehe :supergrin:

Allegra
04-17-2009, 10:21
300+ shooters as of today sa Battle of the Gunclubs
Pumutok nako today and yesterday
You didnt miss much galawan....there wasnt any
Langya nasa kabilang barangay ang mga target! ang lalayo
1st at 2nd stages ko zero ( punyeta ) sa penalties at fumble
Bilib ako . Hanggang ngayon ang galing ko pa rin sa kahoy ( @#$%^!! ) laki laki ng papel bakit yung target stand tinatamaan?
Shot so much better today. Di nako naiiyak pag naalala ko putok ko kahapon :)

Pero enjoy
Kudos to Major Tuliao , I liked the stages kahit 20 yata penalties ko
Kinuha ko pala kayo ng 40% discount sa rudy project at luminox basta sabihin nyo lang pangalan ko
ang gagwapo pa ng host club , mga artistahin . Boklog nga lang pumutok

Go very early to avoid traffic

i_am_infinity
04-17-2009, 16:37
sayang d kita napanood...

Allegra
04-17-2009, 20:19
sayang d kita napanood...

mag practice muna ako hehe nakakahiya pinaggagawa ko
Uso pala ngayon malayo target , hindi na pwede daanin sa mabilis na takbo heehee

BTW, Nakasabay ko si Maj. Grace sa isang stage , Ladies production team yata o PNP team
Lupit pumutok

i_am_infinity
04-17-2009, 21:26
mag practice muna ako hehe nakakahiya pinaggagawa ko
Uso pala ngayon malayo target , hindi na pwede daanin sa mabilis na takbo heehee

BTW, Nakasabay ko si Maj. Grace sa isang stage , Ladies production team yata o PNP team
Lupit pumutok

eh diba triathlon yang pinuntahan mo?! hehehe joke!!:supergrin:

Allegra
04-18-2009, 07:21
I'll be there tomorrow samahan ko si daryl at mang aalaska ke pible hehe
Armscor vs lag psg
Maganada toits hehe

mc_oliver
04-18-2009, 11:14
Kinuha ko pala kayo ng 40% discount sa rudy project at luminox basta sabihin nyo lang pangalan ko
ang gagwapo pa ng host club , mga artistahin . Boklog nga lang pumutok

Go very early to avoid traffic
Master A, san to? Sa shoot lang mismo? Balak ko bumuli nung lumang Kerosene kasi meron pa pala akong two sets of inserts for it. Sayang naman. :)

atmarcella
04-19-2009, 02:46
mco,

rinig ko dito sa san pablo magbenta din sila, next weekend.

Allegra
04-19-2009, 06:58
Master A, san to? Sa shoot lang mismo? Balak ko bumuli nung lumang Kerosene kasi meron pa pala akong two sets of inserts for it. Sayang naman. :)

Yup
Every major shoot yata punta sila
8t lang luminox
Gamit ng navy seals
Kaya magaling sya

BTW , congrats kila Jason and Lag PSG, for winning Battle of the Gun clubs
Congrats din sa sarili ko for being 39th @#$%^&*!!
Babawi ako

ahtsay
04-19-2009, 08:31
May results nba? Saan mo nakita Allegra? :) Ang lalayo nga ng mga targets, buti nalang nasubukan namin yung drill na turo mo samin the week before hehe!! :)

st. matthew
04-19-2009, 08:36
sino-sino representative ng bogs gun club?

ahtsay
04-19-2009, 08:45
Open lang ata tayo eh, si Barry napunta sa Team Alpha....sayang kung nandito ka Std tayo hehehe!! :)
Ano, order kita ng longdust na frame kay Deenoh? :)

st. matthew
04-19-2009, 16:21
walang bogs?!:dunno::supergrin:

kumusta putok mo sa battle of the clubs?

o,sige paki-order, utang ako sa iyo:supergrin:

Allegra
04-19-2009, 17:35
May results nba? Saan mo nakita Allegra? :) Ang lalayo nga ng mga targets, buti nalang nasubukan namin yung drill na turo mo samin the week before hehe!! :)

Kay Noriel
buti pa kayo
Muntik na nga ako di pumutok nung nakita ko cof
Wala man lang takbuhan pambawi
Was so worried about the metal , sumala ako sa papel hehe

jasonub
04-19-2009, 18:13
Thanks Master A,

Lahat kami isang game plan. Matatagal ang time but sigurista si Lito. After awhile pina piso piso na kami.

Dikit dikit tuloy ang scores namin team members :)

That is his secret, no need to get to the top just get the points at a reasonable time.

Si Allegra grabe ang pinayat. Last time I saw you at the bucor you must have weighed 20 to 30 pounds more?

Whats your secret???

Allegra
04-19-2009, 18:36

Yun nga din sinabi ko kay daryl
Puro bibilis ng time kaso parati may sabit
Wag ka lang mag rengage mabilis na oras
Nga lang , sarili ko nga di ko rin napigilan haha

I was cutting weight para sa laban namin ni Chuck Lidell kahapon :)
Ganyan lang talaga ako pag walang pera , mukang payat

Chie
04-19-2009, 21:22
fafa A wala ka ba video sa youtube ng battle?

Allegra
04-20-2009, 10:11
fafa A wala ka ba video sa youtube ng battle?

Sa dami ng cam nakita ko dun I'm sure meron mag popost sa youtube
Meron ako vid umiiyak sa 1st stage kasi 4 mike , 2 no shoot

mc_oliver
04-20-2009, 10:26
mco,

rinig ko dito sa san pablo magbenta din sila, next weekend.
Ack! ang layo. :supergrin: