May araw din kayo [Archive] - Glock Talk

PDA

View Full Version : May araw din kayo

Allegra
08-21-2009, 12:02
May araw din kayo
By Conrado de Quiros
Philippine Daily Inquirer
First Posted 01:04:00 08/17/2009

Billion-peso jet for Arroyo’s fast getaway?
May araw din kayo

Tatagalugin ko na nang makuha n’yo. Kahit na lingwaheng kanto lang ang alam kong Tagalog.

Tutal Buwan ng Wika naman ang Agosto. Baka sakali ’yung paboritong wika ni Balagtas ay makatulong sa pag-unawa n’yo dahil mukhang ’yung paboritong wika ni Shakespeare ay lampas sa IQ n’yo. Kung sa bagay, ang pinakamahirap gisingin ay ’yung nagtutulug-tulugan. Ang pinakamahirap padinggin ay ’yung nagbibingi-bingihan. Ang pinakamahirap paintindihin ay ’yung nagmamaangmaangan. Bueno, mahirap din paintindihin ’yung likas na tanga. Pero bahala na.

Sabi mo, Cerge Remonde, alangan naman pakanin ng hotdog ang amo mo. Bakit alangan? Hindi naman vegetarian ’yon. At public service nga ’yon, makakatulong dagdagan ng cholesterol at salitre ang dugong dumadaloy papuntang puso n’ya. Kung meron man s’yang dugo, kung meron man s’yang puso.

Bakit alangan? Malamang di ka nagbabasa ng balita, o di lang talaga nagbabasa, kung hindi ay nalaman mo ’yung ginawa ni Barack Obama at Joe Biden nitong nakaraang Mayo. Galing silang White House patungong Virginia nang magtakam sila pareho ng hamburger. Pina detour nila ang motorcade at tumuloy sa unang hamburgerang nakita nila. Ito ang Ray’s Hell Burger, isang maliit at independienteng hamburger joint.

Tumungo ang dalawa sa counter at sila mismo ang nag-order, hindi mga aides. Nagbayad sila ng cash na galing sa sariling bulsa at kagaya ng ibang customers ay pumila para sa turno nila.

Ito ay presidente at bise presidente ng pinakamakapangyarihang bansa sa buong mundo. Kung sa bagay, ’yung amo n’yo ay hindi naman talaga presidente. Di lang makita ang pagkakaiba ni Garci kay God kaya nasabing “God put me here.” Pekeng presidente, pekeng asal presidente.

Sabi mo, Anthony Golez, maliit lang ang P1 million dinner kumpara sa bilyon-bilyong pisong dinala ng amo mo sa bansa.

Ay kayo lang naman ang nagsasabing may inambag ang amo n’yo na bilyong-bilyong piso sa kaban ng bayan. Ni anino noon wala kaming nakita. Ang nakita lang namin ay yung bilyon-bilyong piso—o borjer, ayon nga sa inyong dating kakosa na si Benjamin Abalos—na inaswang ng amo n’yo sa kaban ng bayan. Executive privilege daw ang hindi n’ya sagutin ito. Kailan pa naging pribilehiyo ng isang opisyal ang di managot sa taumbayan? Kailan pa naging pribilehiyo ng isang opisyal ang magnakaw?

Maliit lang pala ang P1 million, ay bakit hindi n’yo na lang ibigay sa nagugutom? O doon sa mga sundalo sa Mindanao? Tama si Archbishop Oscar Cruz. Isipin n’yo kung gaano karaming botas man lang ang mabibili ng P1 million at karagdagang P750,000 na nilamon ng amo n’yo at mga taga bitbit ng kanyang maleta sa isa pang restawran sa New York.

Maliit lang pala ang P1 million (at P750,000), bakit hindi n’yo na lang ibigay doon sa pamilya ng mga sundalong namatay sa Mindanao? Magkano ’yung gusto n’yong ibigay sa bawat isa? P20,000? Sa halagang iyan 50 sundalo na ang maaabuluyan n’yo sa $20,000. Pasalu-saludo pa ’yang amo n’yo sa mga namatay na kala mo ay talagang may malasakit. Bumenta na ’yang dramang ’yan. At pasabi-sabi pa ng “Annihilate the Abus!” Di ba noon pa n’ya ’yan pinangako? Mahilig lang talagang mangako ’yang amo n’yo.

Bukod pa d’yan, saan ba nanggaling ’yung limpak-limpak na salapi ng mga kongresista na pinansisindi nila ng tabako? Di ba sa amin din? Tanong n’yo muna kung ayos lang na i-blowout namin ng wine at caviar ang amo n’yo habang kami ay nagdidildil ng asin—’yung magaspang na klase ha, ’di yung iodized. Ang tindi n’yo, mga p’re.

At ikaw naman, Romulo Macalintal, tapang ng apog mo. Maiisip mo tuloy na sundin na lang ang mungkahi ni Dick the Butcher sa “Henry VI” ni Shakespeare: “First thing we do, let’s kill all the lawyers.” Pa ethics-ethics ka pa, pasalamat ka di nasunog ang bibig mo sa pagbigkas ng katagang ’yon.

Marami mang sugapa rin sa aming mga taga media, di naman kasing sugapa n’yo. At di naman kami sineswelduhan ng taumbayan. Wala naman kaming problemang sumakay sa PAL at kailangan pang bumili ng P1.2 billion jet. Anong sabi n’yo, kailangan ng amo n’yo sa pabyahe-byahe? E sino naman ang may sabing magbabyahe s’ya? Ngayon pang paalis na s’ya—malinaw na ayaw n’yang umalis. Bakit hindi na lang s’ya bumili ng Matchbox na eroplano? Kasya naman s’ya ro’n.

Lalo kayong nagpupumiglas, lalo lang kayong lumulubog sa kumunoy. Di n’yo malulusutan ang bulilyasong ginawa n’yo. Para n’yo na ring inagaw ang isinusubong kanin ng isang batang nagugutom. Tama si Obama at Biden: Sa panahon ng recession, kung saan nakalugmok ang mga Amerikano sa hirap, dapat makiramay ang mga pinuno sa taumbayan, di nagpapakapariwara. Sa panahon ng kagutuman, na matagal nang kalagayan ng Pinoy, at lalo pang tumindi sa paghagupit ng Typhoon Gloria, dapat siguro uminom na lang kayo ng insecticide. Gawin n’yo ’yan at mapapawi kaagad ang kagutuman ng bayan.

Sa bandang huli, buti na rin lang at ginawa n’yo ’yung magpasasa sa P1 million dinner habang lupaypay ang bayan sa kagutuman—di lang sa kawalan ng pagkain kundi sa iba pang bagay—at pagdadalamhati sa yumaong Ina ng Bayan. Binigyan n’yo ng mukha ang katakawan. Katakawang walang kabusugan. Mukhang di nakita ng masa sa usaping NBN, mukhang di nakikita ng masa sa usaping SAL. Mukhang nakita lang ng masa dito sa ginawa n’yong ito. Sa pagpapabondat sa New York habang naghihinagpis ang bayan.

At buti na rin lang mayroon tayong sariling wika. Di sapat ang Inggles para iparamdam sa inyo ang suklam na nararamdaman namin sa inyo. Di sapat ang Inggles para ipakita sa inyo ang pagkamuhi na nararamdaman namin sa inyo. Di maarok ng Inggles ang lalim ng poot na nararamdaman namin sa inyo.

Isinusuka na kayo ng taumbayan, mahirap man sumuka ang gutom.

May araw din kayo.

9MX
08-21-2009, 17:27
yeah..won't be surprised if the incumbent immediately goes into exile pag opposition ang nanalo

mtho
08-21-2009, 21:26
excile ba tawag dun, kala ko dati pag yung mga assets mo nililipat mo ng bansa tawag ay migration.

liveandletlive
08-21-2009, 21:41
Sana dumating na nga yang araw na yan para maubos na yang mga yan...

Kawawang kawawa na ang bansa natin. Kahit anung gawin nating pagtulong sa mga naghihirap lalo silang dumadami kasi pinagpapalit ng mga yan ang basic services sa mga "priority special projects kuno" nila!:steamed:

9MX
08-22-2009, 00:07

and they do it right in front of us..cleverly skirting our laws

Poodle
08-22-2009, 17:27
Bankrupt Government for Next President

http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=498270&publicationSubCategoryId=63

Allegra
08-22-2009, 18:58
Is GMA really that bad?
O yung mga taong pinagkakautangan nya ang may kasalanan ( political appointees )?
I heard hindi daw mahilig rumaket si FG

i_am_infinity
08-23-2009, 00:51
Is GMA really that bad?
O yung mga taong pinagkakautangan nya ang may kasalanan ( political appointees )?
I heard hindi daw mahilig rumaket si FG

NOT TRUE! :supergrin: d ako galit...may SMILEY OH?!?!?

darwin25
08-23-2009, 03:47
Hindi pinalaki sa tamang aral ni Diosdado Macapagal si Gloria. Dahil kung pinalaki niya sa tamang aral si Gloria, mayroon kahit konting kahihiyan ang pandak na ito. At dahil hindi lumaki sa tamang aral si Gloria at nakapag-asawa siya ng isa ring kulang sa tamang aral, yun din ang mga aral na isinalin niya sa kanyang mga anak.

Pamilyang Macapagal-Arroyo, pamilya ng mga imoral at magnanakaw.

Poodle
08-23-2009, 16:20
Is GMA really that bad?
O yung mga taong pinagkakautangan nya ang may kasalanan ( political appointees )?
I heard hindi daw mahilig rumaket si FG

Yes, GMA is that bad. I heard different on the FG. We should ask why her political appointees are quitting. Corruption is really, really rampant.

paltiq
08-23-2009, 18:24
YCorruption is really, really rampant....
ganyan naman talaga dito sa atin e...once na nakaupo...puro nakaw... gawa paraan para mag stay...nakaw....
pag time to go na ...nakaw more...

dbiggershot
08-24-2009, 03:38
for decades wala naman pagbabago, kahit sino ilagay ganun pa rin.... kaya the best thing to do if you relly feel as individual na makatulong sa pagbabago ng bansa (wag lang rally) e gawin natin...

if gusto ng pagbabago, then change into Communism, total change yan:supergrin::supergrin:... wag naman sana

MERCMADE
08-25-2009, 21:34

pero, we are too far gone, baka nga tama ka. masyado nang ingrained sa ating kultura ang corruption, para ngang inaasahan pa natin yumaman ang kung sinong umuupo sa pwesto. we need radical change, wag naman communism, pero we need something or someone radical enough to change what we have.
ang problema parang wala sa mga tatakbo ang gagawa nito...

Allegra
08-26-2009, 00:22

think of it as a classroom of children
Pagmahina ang teacher, magulo ang klase walang disiplina
Pag terror ang techer, well behaved

We are too corrupted na nga hehe or after 386 years of being screwed by colonial masters and dictators, we just dont know how to handle our freedom
That's what we need
a leader na nakakatakot
A Lacson, bayani FernaNDO, or alfredo lim or duterte mold
Parang chemotherapy for our very ill culture

If i had a wish for us pinoys
It's for the whole country to follow the law
Sumunod lang sa batas ang pinas, I think uunlad tayo
Then we can have a chicken in every pot, and an H2 in every garage

liveandletlive
08-26-2009, 01:22
...
Sumunod lang sa batas ang pinas, I think uunlad tayo...

Oyy, parang narinig ko na yan ki Bayani ah?. You're not campaigning for him now, are you? I do agree with you though, ganyang leader ang kailangan natin siguro.

Yoko kay lacson, personal makipaglaban. At least si Bayani issue-based makipag away at di natitinag. Isa pang ayaw ko kay lacson... hirap kumuha ng PTC. Yoko din sa mamatay tao. Dapat kahit terror e mi takot sa Dyos at respeto sa buhay. Saka tawag ng kaibigan ko kay Bayani ABNORMAL... sabi ko naman mas maiging maging presidente ang abnormal kasi kung normal e di walang pinagka-iba sa naka-upo ngayun... normal nga e... normal ang mag-nakaw, normal ang magsinungaling, normal ang mandaya... Naku Dyos ko po!:faint:

pero, we are too far gone, baka nga tama ka. masyado nang ingrained sa ating kultura ang corruption...

He he... pati barangay treasurer magaling na mag-nakaw e. Di ako magugulat kung nangongotong na din ang mga tanod natin, he he he...

Allegra
08-26-2009, 01:50
Oyy, parang narinig ko na yan ki Bayani ah?. You're not campaigning for him now, are you? I do agree with you though, ganyang leader ang kailangan natin siguro.

Yoko kay lacson, personal makipaglaban. At least si Bayani issue-based makipag away at di natitinag. Isa pang ayaw ko kay lacson... hirap kumuha ng PTC. Yoko din sa mamatay tao. Dapat kahit terror e mi takot sa Dyos at respeto sa buhay. Saka tawag ng kaibigan ko kay Bayani ABNORMAL... sabi ko naman mas maiging maging presidente ang abnormal kasi kung normal e di walang pinagka-iba sa naka-upo ngayun... normal nga e... normal ang mag-nakaw, normal ang magsinungaling, normal ang mandaya... Naku Dyos ko po!:faint:

He he... pati barangay treasurer magaling na mag-nakaw e. Di ako magugulat kung nangongotong na din ang mga tanod natin, he he he...

I dont know Lacson or bayani
Pero I will campaign fr them kung san man sila tumakbo position

Yup, bayani is abnormal, kasi it's not normal na sumunod sa batas dito sa pinas
Too mANY pinoys, pagbabago is just lip service
My brit neighbor is ex-mil ( SAS ) , kaya he's been everywhere and mahigpit
All the pinoys in the neighborhood galit sa kanya except me kasi gusto niya sundin ang restrictions sa subdivision heehee thats funny
Lahat ng pinoy, always want to bend the rules kahit konti lang naman daw :)

astig007
08-26-2009, 03:47
my latest battle cry...

if you want change...

BE THE CHANGE

MERCMADE
08-26-2009, 23:17
Oyy, parang narinig ko na yan ki Bayani ah?. You're not campaigning for him now, are you? I do agree with you though, ganyang leader ang kailangan natin siguro.

Yoko kay lacson, personal makipaglaban. At least si Bayani issue-based makipag away at di natitinag. Isa pang ayaw ko kay lacson... hirap kumuha ng PTC. Yoko din sa mamatay tao. Dapat kahit terror e mi takot sa Dyos at respeto sa buhay. Saka tawag ng kaibigan ko kay Bayani ABNORMAL... sabi ko naman mas maiging maging presidente ang abnormal kasi kung normal e di walang pinagka-iba sa naka-upo ngayun... normal nga e... normal ang mag-nakaw, normal ang magsinungaling, normal ang mandaya... Naku Dyos ko po!:faint:

He he... pati barangay treasurer magaling na mag-nakaw e. Di ako magugulat kung nangongotong na din ang mga tanod natin, he he he...

naalal ko tuloy na nagmahal PTC nung pag upo ni Lacson, ayoko na rin sa kanya. he he

choi_tan2000
08-27-2009, 20:51
we need somebody na straight and firm pero hindi salbahe, we need a leader who is strong and who doesnt act strong.

for me si chief justice puno bet ko mga bro. although tahimik pero di ko pa nakita na nabali ang principyo, and me takot din po sa lumikha at may respeto sa kapwa.

sana like tita cory diba lets not just pray for our love ones, lets all pray and act for this nation to heal and move forward.

i dont want to comment how rampant is corruption in our country everybody knows how they do. the only question is what are we going to do to stop it. its not enough to know, we need to do something about it. starting in our self, our family, community then litle by litle this nation will heal.

sa mga maliliit natin ginagawa, wag tayo mahiya gumawa ng tama kahit pagtawanan tayo ng ibang tao. o minsan matapakan tayo by doing the right thing and this is the foundation we needed to give for our childrens.

for now all we should do is pray and help guard this as_h__es in congress so we can protect our rights. we should show them that they cant play with our laws and the whole filipino people.

may bukas pa mga bro, and its in our hand what will happen next

liveandletlive
08-30-2009, 08:35
and they do it right in front of us..cleverly skirting our laws

On Sept 6 a Nationwide simultaneous Medical Mission will be conducted by the PCSO. Millions of pesos will be spent on this for sure. All in one day! ANd for what? I mean, what priority Public Health Problem are they trying to solve with this?

Just another high profile (politically) but low impact (as far as Public Health service and the control of diseases) "Special Project" courtesy of our "wise" leaders. And they could not even provide the syringes our Public HEalth offices need to vaccinate all our children! :steamed:

Baka meron sa inyo gustong mag-donate ng dugo... tuyo na dugo ko e...