What if nabanga ka ng? [Archive] - Glock Talk

PDA

View Full Version : What if nabanga ka ng?

Wp.22
11-09-2009, 18:40
Patrol car yung car mo what is the SOP?

armored car?

Allegra
11-09-2009, 19:11
Patrol car yung car mo what is the SOP?

armored car?

Patrol car, barangay mobile, tricycle , jeepney, kariton makabangga , isipin mo nalang para kang tinamaan ng ligaw na bala. It's not your day hehe lista mo nalang sa malas expense account

alam ko may insurance mga armored car ng banko
wag lang armored car ng afp

Wp.22
11-09-2009, 19:14
Patrol car, barangay mobile, tricycle , jeepney, kariton makabangga , isipin mo nalang para kang tinamaan ng ligaw na bala. It's not your day hehe

alam ko may insurance mga armored car ng banko
wag lang armored car ng afp

Years ago nabanga ng armored car ng bank ang erparts ko that time 65 years old na siya tinakbuhan pa akala yata holdup hehehehe. Di man lang binigyan ng calling card ang erparts ko kung saan maghahabol.

Allegra
11-09-2009, 19:19

Onga no
Sabagay, yun nga siguro gagawin nila
Baka kasi paglabas pa lang nila ng sasakyan, maratrat na
Dapat hanapin pala agad plate no

binoy
11-09-2009, 20:19
Years ago nabanga ng armored car ng bank ang erparts ko that time 65 years old na siya tinakbuhan pa akala yata holdup hehehehe. Di man lang binigyan ng calling card ang erparts ko kung saan maghahabol.

Bat nila iisiping holdup e sila nambungo?

3x na ata ako nabungo o nasagi ng taxi or jeepney. The last time was after the xmas party at joji's place, kumpleto ng reports. Puro pangako inabot ko sa operator (malaking co yun sa may quirino pque) sa bwisit ko after several follow ups, ako na lang nagpagawa. Dadami lang puting buhok ko hehehehe. Mga jeep naman kakamutan ka lang ng ulo sabay sabi "boss, sinkwenta palang pera ko dito e." di ko na ako nakikipagkulitan, la din namang mangyayari :(

Sabi nga ni fafa e, charge to malas expense :grin:

Allegra
11-10-2009, 02:14

Ang hirap magmaneho nyan armored car, yung mga mukang apc ang sikip pala sa loob
walang makita.

You just have to put it in perspective nalang
When a jeepney driver, kariton pilot says," boss, wala akong pera e"
Totoo naman talaga sinasabi niya, baka pambili nga ng bigas wala siya
Isipin ko nalang magmaneho ako maghapon habang panay addition at subtraction ang iniisip, diabetic na sa dami ng storck nasipsip, malamang mabangga na rin ako
Yup, my parents hugged me nung bata ako :)

Ok, tama na
Back to mata pobre mode
OTOH, pasalamat ka nalang hindi ikaw ang nakabangga sa mga @#$%^&
Triple gastos mo. Sasakyan mo, sasakyan nya , xray ng buong angkan niya
Wag mo na imagine kung patrol mabangga mo hehe kaya mag renew na ng firearms license mga braders

PMMA97
11-10-2009, 05:06
Kung nabangga ka ng PUJ sa area mo malaki ang posibilidad na makakuha ka ng compensation through the insurance of their cooperative or sa operator.

Style na ng mga driver ng PUJ na sabihin na wala silang pera pero kapag nakumpiska ang lisensya ng police traffic investigator siguradong mangungutang yan sa operator or bumbay wag lang maabala ang byahe or huwag lang makulong. Opkors depende sa severity ng bangga or sa nabangga mong sasakyan at kung saang lupalop ka minalas.

Maski maghapon ka sumipsip ng storck hindi dahilan yun para mandunggol ka ng ibang sasakyan. Kapag pagod na dapat magpahinga kesa maka disgrasya.

Palagi nating iisipin na kung paano kung tayo naman ang bumangga? Suskopo sangkaterbang damage ang ichacharge sa iyo pati yung mga banggang kinakalawang na ibibintang na din sa iyo.

Ang magpatranslate sa english may libreng kotong.

saki1611
11-10-2009, 09:26
Patrol car yung car mo what is the SOP?

armored car?

you can go to the chief of patrol car unit, than to talk to the crew of the mobile car in case they ignored you. mostly patrol cars are insured since it's a government owned.

Allegra
11-10-2009, 16:58
Kung nabangga ka ng PUJ sa area mo malaki ang posibilidad na makakuha ka ng compensation through the insurance of their cooperative or sa operator.

Style na ng mga driver ng PUJ na sabihin na wala silang pera pero kapag nakumpiska ang lisensya ng police traffic investigator siguradong mangungutang yan sa operator or bumbay wag lang maabala ang byahe or huwag lang makulong. Opkors depende sa severity ng bangga or sa nabangga mong sasakyan at kung saang lupalop ka minalas.

Maski maghapon ka sumipsip ng storck hindi dahilan yun para mandunggol ka ng ibang sasakyan. Kapag pagod na dapat magpahinga kesa maka disgrasya.

Palagi nating iisipin na kung paano kung tayo naman ang bumangga? Suskopo sangkaterbang damage ang ichacharge sa iyo pati yung mga banggang kinakalawang na ibibintang na din sa iyo.

Ang magpatranslate sa english may libreng kotong.

hehe in a perfect world , all will be right

choi_tan2000
11-10-2009, 19:28
yu armored car namin dati sa region two nakabanga ng pasenger jeep, me namatay (bank personel inside AC advise our office), we advised the armored car to proceed to expected destination then we from the bank responded to the scene and help the victims to the hospital (also reported immidietely to COPS).

2nd scene with personal knowledge. bank armored car's tires blows up while en route to provicial branch coming from manila H.O. (on official route) the car stumbles and one of the AC doors detached ( guards and teller had no choice ) the guards even dizzy and injured make a perimeter holding their shotguns to guard the money inside. luckily the bank rescue comes first than the bad guy hehehehe. (take note nobody tries to help them in the hiway )

PMMA97
11-10-2009, 19:39
the guards even dizzy and injured make a perimeter holding their shotguns to guard the money inside. luckily the bank rescue comes first than the bad guy hehehehe. (take note nobody tries to help them in the hiway )

I would not help them either.

Picture dizzy guards holding shotguns :supergrin:

Black_SIR
11-10-2009, 19:54
let them wear seatbelts :supergrin:

walag basta bastang lalapit baka maputukan pa :tongueout:

binoy
11-10-2009, 21:27
Kung nabangga ka ng PUJ sa area mo malaki ang posibilidad na makakuha ka ng compensation through the insurance of their cooperative or sa operator.

Style na ng mga driver ng PUJ na sabihin na wala silang pera pero kapag nakumpiska ang lisensya ng police traffic investigator siguradong mangungutang yan sa operator or bumbay wag lang maabala ang byahe or huwag lang makulong. Opkors depende sa severity ng bangga or sa nabangga mong sasakyan at kung saang lupalop ka minalas.

Maski maghapon ka sumipsip ng storck hindi dahilan yun para mandunggol ka ng ibang sasakyan. Kapag pagod na dapat magpahinga kesa maka disgrasya.

Palagi nating iisipin na kung paano kung tayo naman ang bumangga? Suskopo sangkaterbang damage ang ichacharge sa iyo pati yung mga banggang kinakalawang na ibibintang na din sa iyo.

Ang magpatranslate sa english may libreng kotong.

Hahahaha. . .muntik pa tumalsik kinakain kong saging :rofl:

binoy
11-10-2009, 22:02
Yup, my parents hugged me nung bata ako :)

:rofl: so di mo kelangan ng professional help :grin:

Ok, tama na
Back to mata pobre mode
OTOH, pasalamat ka nalang hindi ikaw ang nakabangga sa mga @#$%^&
Triple gastos mo. Sasakyan mo, sasakyan nya , xray ng buong angkan niya

May nasaging bata tropa ko nuon sa highway na biglang tumawid. Dinala agad namin sa pinakamalapit na ospital (ospital ng sampaloc) at wala naman daw damage.
Nang malaman nung parents, laking pasalamat sa amin at di daw iniwan yung bata. Pasok ang isang tiyahin, nagwawala at bakit daw sa public hospital dinala, gusto daw ba naming mamatay pamangkin nya. Gov employee daw sya at wala syang tiwala sa gov hospital (wtf! *your violent reaction here) in short, dala sa UST para matapos lahat. Negative din. Hinatid namin then after several days bumalik kami para kumustahin bata with pasalubong. Ok naman.
Bad trip lang yung tiyahin :) butas pa bulsa :crying: